Pag-upa ng kotse sa General Santos

Walang bayad at pinakamahusay na presyo sa ekonomiya, luho, 7-9 mga kotse sa seater at higit pa
https://static.digitaltravelcdn.com/uploads/images/aeroporto2.jpg
Hertz
InterRent
Europcar
Enterprise
Budget
Avis
Alamo
Thrifty
Mga Pagsusuri 55,431 • Mahusay
mga pagsusuri 4.5 stars
Libreng pagkansela at walang nakatagong mga gastos
24hr / araw na suporta at live na chat
Mabilis at secure na mga paraan ng pagbabayad
Zero komisyon sa mga pagbabayad ng card

Magkumpara at Makatipid sa pagrenta ng kotse sa General Santos

Ang General Santos ay ang pinakatimog na syudad sa Pilipinas. Ito ay nasa Timog Cotabato ngunit pinamumunuan ng hiwalay sa probinsyang ito. Kung nasa ibang bansa o ibang bahagi ng Pilipinas, maaaring marating ang General Santos gamit ang General Santos International Airport. Ang General Santos ay kilala dahil sa General Santos City Fish Port Complex. Dito ibinabagsak ang mga huling isda mula sa mga katawang tubig na malapit sa syudad. Para sa mga nakatira dito pati na rin sa mga turista, sa General Santos City Fish Port Complex maaaring bumili ng mga bagong huli at sariwang isda sa murang halaga. Dito rin kasi bumibili ang mga negosyante at dinadala sa iba’t ibang pamilihan sa lungsod. Kung gusto mo namang maglakad lakad habang nanonood nakaupo sa silong ng mga puno, maaari kang pumunta sa Plaza Heneral Santos. Ito ay isang sikat na pasyalan sa mga lokal at estudyante ng lungsod kung saan pwedeng maupo at magpahinga. Maaari ring tumambay dito at kumain ng meryenda na nabili sa paligid na parke. Kung nais maglibot gamit ang kotse, pwedeng kayong magrenta sa Avis Car Rental – Gen San Station. Pwede silang puntahan sa East Asia Royale Hotel, National Highway, Lagao, General Santos City.

Mga Pwedeng Gawin sa General Santos City

Kung gusto mo ng tahimik at mga natural na tanawin, pwede kang pumunta sa Sarangani Island. Sikat ang lugar na ito dahil sa magaganda nitong tanawin pati na rin sa malinis nitong dagat. Hindi ito kagaya ng ibang sikat na dagat sa Pilipinas kung saan siksikan ang mga tao at tila magulo ang paligid. Maganda din ang lugar na ito kung gustong magmuni-muni at kumuha ng mga litrato na pwede mong ilagay sa Internet. Ang Sarangani Island ay madali lamang puntahan at hindi nalalayo sa sentro ng General Santos. Huwag mahiyang magtanong sa mga lokal ng lugar dahil siguradong matulungin at masayahin ang mga tao dito.

3 Lugar na dapat puntahan sa General Santos City

  • SM City General Santos
  • Balut Island
  • Christ the King Cathedral

Magmaneho sa General Santos City

Maiging gumamit ng sasakyan para libutin ang General Santos dahil hindi akma ang temperatura dito para sa maglibot gamit ang bisikleta o paglalakad. Mula sa paliparan ay mararating ang sentro ng General Santos ng ilang minuto lamang. Sa sentro ng General Santos, marami ng makikita na mga bilihan ng pasalubong para sa mga balak nyong uwian. Umiwas lang sa mga matataong kalsada dahil sa mga tricycle na pwedeng makaapekto sa inyong pagmamaneho. Sikat din ang General Santos dahil sa kanilang mga dekalidad na prutas. Mabibili ang mga prutas na ito sa publikong pamilihan ng General Santos na kalapit lamang sa plaza ng lungsod.

Alin ang mga pinakamahusay na deal sa General Santos?

Mini
Mini
from ₱3,350.55/araw
Mini
Mini
from ₱3,640.55/araw

Nangungunang mga puntos ng pickup sa paligid ng General Santos

Tuklasin ang pinakabagong mga deal sa pag-upa ng kotse

Mag-subscribe sa aming newsletter.