Magkumpara at Makatipid sa pagrenta ng kotse sa Clark
Ang Clark ay dating kilala bilang Clark Air Base. Isa itong dating base-militar ng Estados Unidos sa Pilipinas. Ito ay nasa hilagang-kanlurang bahagi ng Angeles City at nasa kanlurang bahagi ng Mabalacat, Pampanga. Sa ngayon, ang Clark ay isang lugar para sa mga negosyante, sa mga estudyanteng nag-aaral maging piloto, pati na rin sa mga turistang naghahanap ng pwedeng mapuntahan sa labas ng Maynila. Ang Clark ay maaaring marating ng mga dayuhan mula sa ibang bansa gamit ang Clark International Airport. Isa sa mga sikat na lugar sa Clark ay ang Nayong Pilipino. Sikat na puntahan ang Nayong Pilipino para sa mga bata. Ito rin ay sikat na destinasyon para sa mga paaralang nagsasagawa ng mga lakbay-aral. Isa pang sikat na puntahan sa Clark ay ang Fontana Water Park. Ang Fontana Water Park ay magandang puntahan lalo na kapag mainit ang panahon dahil pwedeng magpalamig at maligo sa mga pool nila. Kung nais gumala gamit ang kotse, maaaring umupa ng sasakyan sa www.expedia.com.ph. Ang kanilang serbisyo ay nakakonekta pa sa ibang sikat na paupahan ng kotse sa Clark.
Mga Pwedeng Gawin sa Clark
Kung gustong magpalamig ay pumunta lamang sa mga sikat na pasyalan sa Clark gaya ng SM City Clark. Ang mall na ito ay sikat dahil sa malilinis nitong sinehan at mga kainan. Marami ding pwedeng kainan dito kung ikaw ay nagugutom. Ang SM City Clark ay isa sa mga sikat na atraksyon sa Clark dahil ito daw ay ang pinakamagandang mall sa Clark. Kung nais namang magpahinga ay pwede kayong pumunta sa Puning Hot Spring. Ang Puning Hot Spring ay sikat dahil sa kanilang mga kanilang bukal at buhangin na kanilang ginagamit sa kanilang mga serbisyo. Sinasabing ang mga buhangin na gamit nila ay galing sa Mt. Pinatubo, isang sikat na bulkan na malapit sa Clark.
3 Lugar na Dapat Puntahan sa Clark
- Air Force City Park
- Dinosaurs Island
- Holy Rosary Parish Church
Magmaneho sa Clark
Kung gustong pumunta sa SM City Clark galing Clark International Airport gamit ang nirentahang sasakyan, maaaring baybayin ang Manuel A. Roxas Hwy at makakarating na dito. Magtatagal lamang ito ng 13 minuto at may layong 7 kilometro. Isaisip lamang ang inyong paglalakbay lalo na kapag may pista o okasyon dahil karaniwang isinasara ang kalsada o kaya ay mabigat ang trapiko sa kalsada na nabanggit. Kung gusto namang pumunta sa Dinosaur Island, bagtasin lamang ang Claro M Recto Hwy at Gil Puyat Ave at mararating mo na ang Dinosaur Island ng apat na minuto galing sa Clark International Airport.