Rentahan ng Kotse sa Cebu
Magkumpara at Makatipid sa pagrenta ng kotse sa Cebu
Ang Cebu City ay ang kabisera ng probinsya ng Cebu. Ito ang pangalawang pinakamataong syudad sa Pilipinas kasunod sa Kalakhang Maynila. Ang Cebu City ay nasa gitnang-silangang bahagi ng lalawigan ng Cebu. Ito ang unang bayan na itinatag ng mga Kastila noon kayat ito raw ang pinakamatandang syudad sa Pilipinas at ang unang kabisera ng bansa. Ang Cebu City ay maaaring marating gamit ang Mactan-Cebu International Airport. Ang syudad ng Cebu ay kilala dahil sa mga lumang arkitektura na impluwensya ng Kastila. Isa na rito ay ang Basilica Minore del Santo Nino, Fort San Pedro, Casa Gorordo Museum at ang Krus ni Magellan. Ang syudad ng Cebu ay kilala din dahil sa kanilang Cebu Reggae Festival, isang okasyon kung saan nagsasama sama ang mga sikat na artista ng Reggae sa bansa. Kung gustong gumala at maglibot sa Cebu, maaaring umupa ng sasakyan sa www.cebueasyrentacar.com. Pwede silang kontakin at magpareserba sa kanilang websayt.
Mga Pwedeng Gawin sa Cebu
Hindi mo kailangang maging katoliko para makita ang kagandahan ng Basilica del Santo Nino. Madaling lang itong mapuntahan at tuluy-tuloy ang mga misa dito. Maaari rin namang maglibot sa paligid ng simbahan kung ikaw ay madaling mainip sa mga misa na sinasagawa sa simbahan. Isa rin daw ito sa pinakalumang simbahan sa Cebu kaya ramdam na ramdam ang kasaysayan ng bansa kapag ikaw ay papasok dito. Kung nais namang magpalamig at mamili ay pwedeng pwedeng pumunta sa Ayala Center Cebu. Lahat ng mga nais mong bilhin ay makikita mo dito. Ang mall na ito ay magandang pasyalan lalo na kung naghahanap ng mga pwedeng kainan at tambayan habang nagpapalipas ng oras.
3 Lugar na Dapat Puntahan sa Cebu
- Tops Lookout
- Taoist Temple
- Krus ni Magellan
Magmaneho sa Cebu
Kung gustong pumunta sa Krus ni Magellan galing sa Mactan-Cebu International Airport gamit ang inupahang sasakyan, maaaring baybayin ang Ouano Ave ng 39 minuto at makakarating ka na sa Krus ni Magellan. May layo lamang ito na labin tatlong kilometro. Kung gusto namang pumunta sa Tops Lookout, maaaring daanan ang Cebu Transcentral Hwy. Magtatagal ang pagmamaneho ng isang oras at limang minute dahil ang Tops Lookout ay may layo na dalawamput dalawang kilometro mula sa Mactan-Cebu International Airport. Kung nais namang pumunta sa Taoist Temple, maaaring dumaan sa Central Nautical Hwy at aabutin lamang ng limamput isang minute. Ito ay may layo na labing apat na kilometro mula sa paliparan.